-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Naabo ang isang paaralan sa nangyaring sunog sa probinsya ng Maguindanao.

Ayon sa ulat ng pulisya,nagliyab ang malaking apoy sa Pegeda Elementary School sa Talitay Maguindanao.

Naglabasan ang mga estudyante at guro patungo sa ligtas na lugar,kung saan maswerteng walang nasaktan.

Sinubukan pa ng mga guro at mga residente na apulahin ang apoy ngunit wala silang nagawa.

Ayon kay Talitay District Supevisor Edres Kasan na may 200 na mga estudyante at apat na guro ang Pegeda Elementary School.

Natupok sa apoy ang apat na silid-aralan at mga kagamitan ng mga guro sa pagtuturo.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP-Maguindanao) sa nangyaring sunog sa Pegeda Elementary School.