KORONADAL CITY – Nasa apat na Sitio sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato ang maituturing na isolated sa ngayon dahil sa nangyaring landslide dulot ng walang humpay na buhos ng malakas na ulan sa lalawigan.
Ito ang kinumpirma ni Mayor Floro Gandam sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Mayor Gandam, pinagsisikapan sa ngayon ang pag-sasaayos sa mga daan upang maging passable na ngunit pahirapan pa rin dahil sa gumuhong lupa at masamang panahon.
Dagdag pa ng alkalde nasa walong mga barangay din ang apektado ng flash flood.
Kabilang sa mga barangay na ito ang Barangay Lower kag Upper Maculan, Lamcade, Hanoon, Lamdalag, Lamlahak, Lamfugon kag Ned..// Suno pa kay Mayor Gandam, ang isa sa mga tuman nga apektado ang Sitio Tibob sa barangay Lamcade.
Napag-alaman na ang nabanggit na mga lugar ay una nang naiulat na apektado ng mga tension cracks dahilan upang lumikas na rin at ini-relocate ang ang mga residente.
Sa ngaon, humihingi ng tulong ang LGU Lake Sebu sa provincial government ng South Cotabato upang maayos agad ang daan papasok at palabas sa nabanggit na mga lugar.
Sa ngayon, tao lamang ang pwedeng dumaan sa mga lugar na nabnggit ngunit delikado naman dahil sa gumuhong lupa.
Nananawagan naman si Mayor Gandam sa mga residente sa kanilang lugar na patuloy na maging alerto sakaling bumuhos muli ang malakas na ulan.