-- Advertisements --
LA UNION – Arestado ang apat na sugarol kabilang ang isang Barangay Kagawad matapos na maaktuhan na nagsusugal ng mahjong sa Barangay Paratong Norte, Bangar, La Union.
Sa isinagawang Anti-Illegal Gambling Operation ng Bangar Police, nakumpiska sa mga ito ang (1) set ng mahjong tiles, (2) piraso ng dice at bet money na aabot sa P670 cash.
Nanati naman sa kustodiya ng Bangar Police Station ang mga suspek habang inihahanda ang mga dokumento para sa isasagawang inquest proceeding sa kanila.
Kasong paglabags sa PD 1602 o Anti Illegal Gambling Law ang kakaharapin ng mga akusado.