-- Advertisements --
May apat pang katao ang nailigtas mula sa mga gumuhong gusali matapos ang pagtama ng magnitude 7.7 na lindol sa Myanmar.
Ang nasabing mga nailgtas ay nakuha sa mula sa natumbang paaralan sa northern Sagaing region.
Ilang daang katao pa rin ang naiulat na nawawala kung saan patuloy ang ginagawang rescue operations ng mga otoridad.
Inaasahan ng mga otoridad sa Myanmar na tataas pa ang bilang ng mga nasawi kung saan ito ay nasa mahigit 1,700 katao na.
Habang sa Bangkok ay mayroong naitalang 18 katao ang nasawi at 76 na mga mangagawa ang naiulat na nawawala pa matapos na gumuho ang ginagawa nilang gusali.
Nagpapatuloy pa rin ang ginagawang rescue operations kung saan tumulong na rin ang ibang mga bansa para mapabilis ang paghahanap sa mga biktima.