-- Advertisements --

Nasawi ang apat na turista matapos ang pagkahulog ng cable car sa Naples sa southern Italy.

Ginamitan pa ng helicopter ang mga biktima para madala ang mga ito sa pagamutan.

Naganap ang insidente sa Mount Faito kung saan base sa imbestigasyon ay bigla na lamang naputol ang cable na humahawak sa cabin na sinakyang ng mga biktima.

Nailigtas naman ang 16 na mga katao na lulan ng mga sumusunod na cable car matapos na ito ay hindi na gumalaw habang nakabitin.

Tiniyak ng mga otoridad na magsasagawa sila ng imbestigasyon ukol sa nasabing insidente.