-- Advertisements --

May apat na vaccine manufacturers ang kinakausap na ng gobyerno para sa posibleng pagbili ng mga COVID-19 booster shots na maaaring mabili sa unang quarter ng 2022.

Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr na posibleng sa last quarter ng 2021 ay masasapinal na nila ang negosasyon para sa booster shots.

Bagamat hindi na binanggit ang mga kumpanya ay nakipag-ugnayan na ito sa Department of Finance.

May inilaan kasi sila na P45 bilyon para sa posibleng pagbili ng mga boosters.

Hinihintay lamang aniya nila ang mga panuntunan na ilalabas ng Deparment Health, National Immunization Technical Advisory Group at mga vaccine expert panels para sa paggamit na ng booster shots.