-- Advertisements --
Sinampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na vloggers dahil sa pagmamanipula ng mga video interviews ng ilang opisyal ng gobyerno.
Sinabi ni Senior Agent Raymond Macorol, ng NBI Crime Intelligence Division, ang kasong paglabag sa Anti-Alias Law at inciting to sedition ay isinampa nila sa Department of Justice.
Kabilang si NBI Director Jaime Santiago na minanipula ng mga vloggers para magpakalat ng mga maling impormasyon.
Sa nasabing video ay hinihikayat umano ng opisyal ang mga overseas Filipino workers na hindi magpadala ng mga remittances.
Hindi naman binanggit pa ni Macorol ang mga pangalan ng mga vloggers na ang mga ito ay nakabase sa Saudi Arabia, Canada, New Zealand at isa sa United Kingdom.