-- Advertisements --
Inilipat na sa Camp Crame ang apat na naarestong suspek na isinasangkot sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Sinabi ni Police Colonel Jean Fajardo, spokesperson for the Philippine National Police (PNP), ang apat ay nakaditine na raw sa PNP Custodial Center.
Ang paglipat sa mga suspek sa Custodial Center ng PNP ay para sa kanilang proteksiyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa mga suspek.
Sinabi ni Fajardo na nagdesisyon daw ang pamunuan ng PNP na ilipat ang apat na suspek sa Camp Crame matapos silang isalang sa inquest proceedings.
Ang dalawa naman sa apat na suspek ang nag-execute ng extrajudicial confession at ikinokonsidera na ang paglalagay sa mga ito sa witness protection program (WPP) ng pamahalaan.