TUGUEGARAO CITY – Sasampahan ng kaso ngayong araw ang anim na katao kabilang ang apat na nakatanggap ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP) at isang miyembro ng 4ps dahil sa pagsusugal sa Sto. Niño, Cagayan.
Kinilala ang mga suspek na sina Jeka Arica, 4Ps member; Felipa Manuel, Lorna Dela Cruz, Sheryl Ramirez, JR Ariola, mga SAP beneficiaries; at si Daniel Versola, pawang mga residente ng Barangay Masikal sa nasabing bayan.
Ayon kay PCpt. Ranulfo Gabatin, isang concerned citizen ang nagsumbong sa PNP sa pagsusugal ng anim.
Agad aniya nila itong nirespondehan at huli sa aktong nagsusugal ang mga ito ang anim na suspek kung saan nakuha sa kanila ang isang set ng baraha at bet money na nagkakahalaga ng P586.
Kasong paglabag sa Anti-Gambling Law at umiiral na Enhanced Community Quarantine ang isasampa sa mga ito.