Nagtala ng apat na katao ang nasawi dahil sa pagtama ng buhawi sa St. Lucie sa Florida.
Ang nasabing pagtama ng tornado ay kasabay ng pananalasa ng Hurricane Milton.
Bagamat patungo na sa Atlantic Ocean ang bagyo ay nagbabala pa rin ang mga opisyal na makakaranas pa rin ng malakas na hangin at pag-ulan.
Nagpasalamat naman ang mga opisyal ng Tampa, Florida dahil wala silang naranasang anumang storm surge.
Sinabi naman ni Florida Governor Ron DeSantis na mayroong 80,000 katao ang nananatili sa shelters.
Nagpasalamat na lamang sila dahil sa hindi naging matindi ang pinsala ng nasabing bagyo.
Aabot sa mahigit 3 milyong mga residente ang nawalang suplay ng kuryente sa Florida habang nagtamo naman ng maliit na damyos ang Tampa International Airport.
Nagbabala rin ang mga otoridad na asahan ang mga pagbaha dahil sa pag-ulan.