-- Advertisements --

Binigyan ng kaukulang military honors ng Western Mindanao Command at ng Philippine Air Force (PAF) ang apat na nasawing Airmen sa fatal Basilan crash nuong Miyerkules.

Naiuwi na rin sa kani-kanilang pamilya ang bangkay ng apat na Air Force personnel kung saan tatlo sa apat na nasawi ay taga Luzon habang ang isa ay taga Zamboanga Sibugay Province.

Ayon kay PAF spokesperson Lt Col Aristides ala-1:00 ng hapon kahapon ng umalis sa Zamboanga city ang PAF NC212i aircraft kung saan lulan ang tatlong bangkay.

Bandang alas-3:45 ng hapon niton Huwebes ng dumating sa Fernando Air Base ang bangkay nina 1Lt Mack-Ar Ferrer at Ssgt Bañas.

Bandang alas-5:40 naman dumating sa Clark Air Base ang bangkay ng pilotong si Maj. Jessie Miller.

Ibinyahe naman patungong Ipil ,Zambo Sibugay ang bangkay ni A2C Benedicto Leal.

Sa pagdating ng mga bangkay sa Clark Air Base ginawaran ang mga ito ng military honors.

Siniguro naman ng pamunuan ng PAF makakatanggap ng kaukulang tulong ang pamilya ng mga nasawing airmen.

Sa kabilang dako, ongoing na ang imbestigasyon ng PAF investigating team hinggil sa pagbagsak ng sikorsky S-76A habang nasa medical evacuation mission ito.

Samantala, pinangunahan ni Wesmincom chief Lt Gen. Corleto Vinluan Jr., ang pagbigay pugay sa apat na nasawing airmen sa Basilan crash.

Ayon kay Gen Vinluan, hindi matatawaran ang kabayanihan na ipinakita ng apat na apat na airmen habang tinutupad nila ang kanilang tungkulin.

Giit ni Vinluan mawawala man sa physical na aspeto sina Maj. Jessie Milller, 1lt Mack-ar Ferrer, SSG Miguel Bañas Jr., at A2C Benedicto Leal pero hindi hindi sila makakalimutan sa puso ng bawat isang sundalo dahil sa kanilang unfailing service.

Saludo ang heneral sa kagitingan ng apat na airmen.

Sa kabilang dako, tiniyak ni Vinluan ang suporta ng Wesmincom sa investigating team ng PAF na siyang nag iimbestiga ngayon para matukoy ang sanhi ng pagbagsak ng Sikorsky chopper.

Hindi naman nagtakda ng timeframe ang PAF kung kailan matatapos ng probe team ang kanilang imbestigasyon kaugnay sa nangyaring aksidente.