-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Apat na mga myembro ng New Peoples Army (NPA) ang sumuko sa militar sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major General Juvymax Uy na sumuko sa tropa ng 7th Infantry Battalion Philippine Army ang apat na NPA sa Isulan Sultan Kudarat.

Dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang kanilang mga armas at pormal na tinanggap ni 601st Brigade Commander Bregadier General Roy Galido.

Nagpasyang sumuko ang apat na NPA sa militar dahil pagod na sila sa patago-tago sa kabundukan at gusto nang mamuhay ng mapayapa.

Sa loob ng 18 na buwan umaabot na sa 137 NPA ang sumuko sa 6th ID.

Tumanggap ng tulong na pinansyal at livelihood assistance ang apat na NPA mula sa lokal na pamahalaan sa probinsya ng Sultan Kudarat.