CENTRAL MINDANAO-Apat na notoryus na mga myembro ng New Peoples Army (NPA) ang nahuli ng militar sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang mga rebelde na sina Patbon Cabating Besas Jr,alyas Sid,Alyas Maruz,39 anyos,may asawa at Secretary sa Guerilla Front,51 at mga kasamahan nya na sina alyas Yumi,pinuno ng Regional Medical Staff ng Southern Mindanao Regional Committee (SMRC),Political Instructor ng PBC-GF51,alyas NIÑA (PSRL) – Member, Regional Medical Staff, SMRC and Pltn Medic, PBC (DGF51) at si alyas KID (PSRL) – Sqd Leader, Segunda, PBC (DGF51).
Ayon kay 1002nd Brigade Commander Colonel Potenciano Camba na tumanggap sila nang impormasyon sa presensya ng mga NPA sa Sitio Upper Lukatong Barangay Biangan Makilala Cotabato.
Agad nagsagawa ng pursuit operation ang mga tauhan ng Bravo Company ng 39th Infantry Battalion Philippine Army sa pangunguna ni 2nd Lieutenant Lester Depot at nahuli ang mga rebelde.
Narekober sa mga naarestong NPA ang tatlong M653 rifles, isang M16 Armalite rifle,mga bala,magazine,mga kagamitan sa paggawa nang bomba at mga personal na kagamitan.
Nahu liang mga rebelde sa pagtulungan ng mga tauhan ng Task Group Bagwis, 1002Bde (39IB, 73IB and 103rd DRC); 11th ISU; MIG 11; 102nd MICO; PRO 11 at PRO 12.
Dagdag ni Colonel Camba na si Besas ay sangkot sa kasong multiple murder at multiple frustrated murder sa nakalipas na pagsalakay ng mga NPA sa Mati City Police Station.
Sa ngayon ay hawak ng 39th IB ang apat na NPA na isinailalim sa tactical interrogation.