Patay ang apat na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa engkwentro laban sa mga sundalo sa Sitio Surong, Brgy. Aguas, Rizal, Occidental Mindoro.
Sa inisyal na ulat mula kay Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., commander ng Southern Luzon Command at spokesperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, naganap ang engkwentro kaninang alas-6:00 ng umaga.
Tinatayang nasa 20 armadong miyembro ng NPA ang nakasagupa ng mga tropa ng 203rd Brigade ng Philippine Army.
Sinasabing umigting ang 30 minutong labanan.
Sa ngayon, hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng mga nasawi, pero bina-validate na kung ang isa rito ay isang top ranking NPA official.
Samantala, wala namang nasawi sa panig ng mga militar.
Narekober ng mga tropa ng pamahalaan ang walong high powered firearms.
Sa ngayon, ongoing ang clearing operations sa encounter site.