-- Advertisements --

Isinailalim na sa restrictive custody ang apat na miyembro ng Olongapo City Police Office Station Drug Enforcement Unit matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation kaninang madaling araw sa Zambales kung saan nadiskubri ang isang kitchen type clandestine shabu laboratory.

Ayon kay PNP chief Gen. Debold Sinas, kaniya nang inatasan ang Directorate for Investigation and Detective Management sa pamumuno ni M/Gen. Marni Marcos na sampahan ng kasong kriminal ang apat na pulis.

Ang mga naarestong pulis ay una nang nakilalang sina PLt Reynato Basa Jr., Cpl. Gino Dela Cruz, Cpl Edesyr Alipio, Cpl Godfrey Parentela at ang sibilyang si Jericho Dabu.

Ipinag-utos na rin ni Sinas ang pagpa-drug test sa lahat ng miyembro ng Olonggapo City Police Office (OCPO), partikular ang mga miyembro ng City Drug Enforcement unit.

Inatasan din ni Gen Sinas ang Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) na agad simulan ang summary dismissal proceedings laban sa apat na pulis.