-- Advertisements --

DAVAO CITY – Isinailalim sa imbestigasyon ang apat na mga ospital sa Davao region matapos makitaan ng anomaliya sa mga claims nito sa PhilHealth.

Inihayag ni Filbert Bryan Sollesta, PhilHealth Field Operations Division chief, tinatapos na lamang nila ngayon ang fact-finding investigation sa mga ospital na gumagawa ng “upcasing” practice.

Gumagawa umano ng padding ang mga ospital upang matabunan ang mga orihinal na halaga ng claims at mangongolekta ng mas mataas na reimbursements.

Pinapalabas umano ng mga ospital ang simpleng ubo at sipon na isang pneumonia upang makakuha ng malaking reimbursable amount mula sa PhilHealth.

Dagdag pa ni Sollesta, aabot ng hanggang 2,000 suspected upcasing cases ang kanilang nire-riview sa ngayon.

Bago pa umano naaprubahan ang Universal Health Care law, maraming mga ospital na ang napasarhan ng PhilHealt dahil sa naturang anomaliya.

Sa ngayon patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon upang mapanagot ang mga may sala.

Tumanggi naman ang opisyal na pangalan ang apat na naturang mga ospital, kasabay ng panawagan sa publiko na mag-reklamo kung may nalalaman na katulad na mga kaso.