-- Advertisements --
Dumalo na sa pagdinig ng House Blue Ribbon Committee ang apat na opisyal ng Office of the Vice President (OVP) na pinatawan ng contempt at pina-aaresto dahil sa hindi pagdalo sa pagdinig kahit ilang beses ng inimbitahan.
Ang apat na opisyal ay pinaniniwalaang nasa inner circle ni Vice President Sara Duterte.
Ito ay sina Gina Acosta, Lemuel Ortonio at ang mag-asawang si Edward at Sunshine Fajarda.
Una ng inihayag ni Manila Rep. Joel Chua na siyang chairman ng panel na nagparamdam ang apat na opisyal na dumalo sa pagdinig ng komite.
Naniniwala ang Komite na dapat magpaliwanag ang apat na opisyal kung paano ginastos ang P612-Million na confidential funds.