-- Advertisements --

crash4

Kinilala na ng Western Mindanao Command (Wesmincom) ang pagkakakilanlan ng apat na Air Force personnel na nasawi sa helicopter crash kahapon sa Lantawan, Basilan.


Sa panayam ng Bombo Radyo kay Wesmincom Spokesperson Ltc. Aleric Avelino Delos Santos sinabi nito na tatlo sa apat na nasawi ay taga Luzon habang ang isa ay taga Ipil, Zamboanga Sibugay Province.

Kinilala ni Delos Santos ang apat na sina Maj. Jessie Miller ang pilot-in-command, co-pilot na si 1Lt. Mack-ar Ferrer, ang dalawang crew na sina SSg Miguel Banas Jr at AIC Benedicto Leal Jr.

Sinabi ni Delos Santos, ngayong araw nakatakda iuwi sa kani-kanilang pamilya ang bangkay ng apat na Air Force personnel.

Pinatitiyak naman ni Wesmincom chief Lt.Gen. Corleto Vinluan Jr. na mabigyan ng sapat na kaukulang tulong at suporta ang kaanak ng mga nasawing sundalo.

Ngayong araw nakatakda iuwi ang mga bangkay mula Zamboanga City patungong Luzon.


Siniguro naman ng Wesmincom ang suporta sa investigating team ng Philippine Air Force na mag-iimbestiga sa pagbagsak ng Sikorsky helicopter.


Ang Sikorsky Air Ambulance ng PAF ay US made at kasalukuyang nasa pangangalaga ng 505th Search and Rescue Group.

Tatlo ang Sikorsky helicopters ng PAF sa ngayon pero dahil bumagsak ang isa kahapo, dalawa na lamang ang natira ngayon.