Inihahanda na ng Space X ang pagpapadala ng apat na astronauts patungong International Space Station (ISS).
Ito na ang pangalawang “routine mission” magmula nang ipinagpatuloy ng Estados Unidos ang crewed space flight kung saan kasama ang isang European.
Mangyayari ang liftoff sa Abril 22, Eastern Time mula sa NASA’s Kennedy Space Center sa Florida.
Ang misyon na ito ay tinatawag na Crew-2 na kinabibilangan ng dalawang US astronauts na sina Shane Kimbrough at Megan McArthur kasama sina Japan Aerospace Exploration Agency (JAXA) Akihiko Hoshide at European Space Agency (ESA) Thomas Pesquet.
Mananatili sila sa ISS sa loob ng anim na buwan para sa kanilang gagawing scientific experiments kung saan susuriin nila ang mga epekto ng kawalan ng timbang sa brain organoids – mini brains na nilikha gamit ang stem cell technology.
Dahil dito, umaasa ang mga scientist na matutulungan sila sa kanilang pag-aaral kung paano labanan ang sakit sa utak dito sa planetang Earth.
Kasama rin sa kanilang mission ay kung paano e-upgrade ang station’s solar power system sa pamamagitan ng pag-install ng bagong compact panels. (with reports from Bombo Jane Buna)