-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang koronang paglalabanan ng mga kandidata sa ikalimang edisyon ng Miss Universe Philippines sa Mayo 22 maliban pa sa main title.

Ito ay matapos na ianunsiyo ng organizer na Empire Philippines na 4 pa na mananalong beauty queens ang iproproklama sa hiwalay na coronation pagkatapos ng Ms. Universe PH sa parehong entablado.

Ang karagdagang titles ay para sa International franchises na isasagawa sa ilalim ng Miss Philippines Culture and Heritage Celebration. Ito ay ang Miss Supranational Philippines, Miss Charm Philippines, Miss Eco International Philippines at Miss Cosmo Philippines.

Noong 2023, kinoronahan sina Miss Supranational first runner-up Pauline Amelinckx at Miss Charm Philippines Krishnah Gravidez sa hiwalay na programa na ginanap sa ibang venue ilang oras matapos ang 2023 national pageant.

Nasa 43 na kandidate mula sa Pilipinas at mula sa filipino communities abroad ang maglalaban sa 2024 Miss Universe Philippines pageant.

Ang mananalo ngayong taon ay kakatawan sa PH sa 73rd Miss Universe pageant na gaganapin sa Mexico sa later part ng 2024.