-- Advertisements --

Muling nadagdagan ngayon ang bilang ng mga kaso ng mga Pinoy overseas na kinapitan ng deadly virus.

Iniulat ng DFA na apat pang OFW ang nasawi sa Middle East.

Dahil dito umakyat pa sa 772 ang total death toll.

Samantala ang kabuuang nahawa sa COVID-19 ay nasa 10,314 na.

Sa kabila nito nasa 6,554 naman ang gumaling.

Nagpaliwanag naman ang DFA na ang pagkabalam ng mga datos ay dahil na rin sa mahigpit na mga batas sa ilang mga bansa.