-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Panibagong apat na turista ang inaresto matapos gumamit umano ng pekeng negatibong RT-PCR swab results upang makapasok sa isla ng Boracay.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 11332 o Madatory Reporting of Notifiable Diseases and Article 172 ng Recised Penal Code o falsification of documents ang naturang mga turista.

Ayon kay Lt. Col. Don Dicksie De Dios, hepe ng Malay municipal police station dakong alas-6:00 Martes ng gabi, sa Tabon Port pa lamang sa Caticlan ay pinigilan na ang mga ito matapos makumpirma ng validating team na peke ang kanilang mga dokumento.

Agad na dinala ang mga ito sa quarantine facility sa Kalibo at isinailalim sa swab test.

Ang mga turista ay pawang nagmula sa National Capital Region (NCR) na magbabakasyon sana sa Boracay.

Nabatid na Sabado ng umaga nang pitong turista ang nahuling nameke ng RT-PCR test results kasunod ng muling pagbukas ng Boracay sa mga turista mula sa NCR plus.