KORONADAL CITY – Tuluyang na-neutralize ng mga sundalo sa nangyaring engkwentro ang itinuturong mastermind sa Aleosan, North Cotabato Bus bombing na ikinamatay ng isang 5 taong gulang na bata at 6 na sugatan.
Ayon kay Major General Juvymax Uy, Commander of the Joint Task Force Central and 6th Infantry Division, apat ang napatay ng mga sundalo sa isinagawang manhunt operation na konektado sa nangyaring pamomomba.
Kinilala ang umano’y e mastermind sa bus bombing na si Norodin Hassan alias Andot, Emir ng Military Affairs ng Daulah Islamiya Hassan Group (DI-HG), mga kasa nitong sina Abdonillah Hassan alias Don at Abdonhack Hassan alias Abdon at isang unidentified.
Ayon kay Uy ang pagkakapatay sa mga terorista ang maituturing na hustisya na sa mga biktima.
Matatandaan na noong Enero 11, 2022 ay sumabog ang IED sa hulihang bahagi ng Mindanao Star bus matapos na iniwan ng isang pasahero mula Kabacan, North Cotabato ang bagahe na may lamang bomba.
Lumabas agad sa isinagawang Post Blast Investigation na signature ng Daulah ang nabanggit na IED kaya’t nagsagawa ng follow up operations.
Narekober din sa mga nasawing suspek ang ibat-ibang high powered firearms gaya ng (1) 7.62mm M14 Rifle, one (1) cal. 30 M1 Garand Rifle, several rounds of ammunition at magazine at iba pang mga subersibong dokumento.
Una rito, inihayag ni Pol. Lt. Col. Bernard Tayong, tagapagsalita ng North Cotabato PNP natukoy ang mga suspek sa tulong rin ng kuhang CCTV footage.