-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 7 na lindol ang Aegean coast sa Turkey at Samos island sa Greece.

Ayon sa US Geological Survey, sumentro ang lindol sa Izmir province.

Naramdaman din ang lindol sa Athens at Istanbul.

Sa inisyal na assessment nasa 20 gusali ang gumuho sa Izmir City sa Turkey kung saan sinasabing apat katao na ang nasawi.

Nagdulot din ng maliit na tsunami sa Samos port.

Matatagpuan kasi sa fault lines ang Turkey at Greece kaya laging niyayanig sila ng lindol.