-- Advertisements --

Apat na patay na baboy ang nakitang inanod sa isang ilog sa Rodriguez, Rizal, ngayong Linggo partikular sa Batangay San Isidro.

Ang Rizal ang isa sa mga lugar na tinukoy ng Department of Agriculture (DA) na apektado ng African swine fever (ASF).

Noong Biyernes, umabot sa 55 ang bilang ng mga patay na baboy na natagpuan sa Marikina River, na pinaghihinalaan ng mga awtoridad na galing Rodriguez at San Mateo, Rizal.

Bukod sa Marikina, ilang patay na baboy rin ang inanod sa isang creek sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City.

Ang mga natagpuang patay na baboy sa QC ay pinangangambahang may ASF.

Hinimok naman ng Department of Agriculture ang mga magbababoy na agad ieport sa mga lokal na veterenarian ang kanilang mga baboy na may sakit o namatay na.

Ang mga veterinarian na ang makikipag-ugnayan sa Bureau of Animal Industry para matukoy ang sanhi ng pagkamatay o sakit ng mga baboy.

Ibinunyag din ng Department of Agriuculture na sa ilalim ng batas, maparurusahan ang mga taong nagtatapon ng mga patay na baboy lalo na sa mga ilog.

Una ng ibinunyag ni Agriculture Secretary William Dar na nagpositibo sa ASF ang blood samples ng ilang namatay na baboy galing Rizal at Bulacan.