-- Advertisements --
Patay ang apat na katao matapos na sumabit sa linya ng kuryente ang sinakyan nilang maliit na eroplano sa Illinois.
Ayon sa kapulisan ng Illinois, na galing sa Wisconsin ang mga biktima lulan ng single-engine plane ng ito ay bumagsak.
Base sa inisyal na imbestigasyon na sumabit sa cable ng kuryente ang eroplano na sanhi ng pagbagsak nito.
Nasa lugar na ang Federal Aviation Administration kasama ang National Safety Board para magsagawa ng malalimang imbestigasyon.