-- Advertisements --

Patay ang apat na katao matapos na tamaan ng missile ang Israel ang convoy na may dalang medical supplies at gasolina para sa Emirati hospital sa Gaza.

Ayon sa American Near East Refugee Aid (Anera) , kasamang nasawi ang ilang mga empleyado nila na nakatalaga sa pagdeliver.

Magdadala lamang sila ng mga supplies sa Emirates Red Cresent Hospital sa Rafah ng tamaan ito ng missile.

Kahit na may nangyaring ganun na insidente ay ipinagpatuloy pa rin ng ilang sasakyan ang pagdeliver ng nasabing mga supplies.