-- Advertisements --

Patay ang apat katao na kinabibilangan ng isang bata sa isa pang mass shooting na nangyari sa isang office complex sa Orange, California.

Ayon kay Lt. Jennifer Amat mabilis na dinala nila sa local hospital ang isang babae na nasa kritikal na kondisyon matapos magtamo ng maraming tama sa katawan.

Sugatan din ang suspek sa krimen at nasa kritikal na kondisyon matapos makipagbarilan sa mga rumispondeng pulis.

Hindi pa sila nagbigay ng karagdagang impormasyon kaugnay sa motibo at identity ng suspek at mga biktima ng krimen.

Narekober sa crime scene ang isang kalibre ng armas.

Napag-alaman na ito na ang ika-20th mass shooting na nangyari sa Amerika dalawang linggo simula nang maganap ang Atlanta-area spa attacks na ikinamatay ng walo katao.

Sinabi ng police sa nasabing lugar na ito ang unang pagkakataon na may nangyaring mass shooting sa Orange City mula 1997.