SEATTLE, United States — Patay ang apat katao habang sugatan naman ang tatlong iba pa nang bumagsak ang isang construction crane sa anim na sasakyan sa downtown Seattle.
Ayon kay Fire Chief Harols Scoggins, patay na ang apat katabo bago pa man sila makarating sa pinangyarihan ng aksidente.
Dalawa aniya sa nasawi ay crane operators at ang nalalabing dalawa ay ang mga taong laman ng mga nabagsakan na sasakyan.
Samantala, kaagad namang isinugod sa ospital ang tatlong katao, kabilang na ang isang ina at kanyang anak na sanggol.
Habang ang ika-apat na tao na sugatan ay nilapatan naman ng lunas sa lugar mismo kung saan nangyari ang aksindente.
Nabatid na nag-collapse ang crane sa intersection ng Mercer Street at Fairview Avenue malapit sa Interstate 5 bago sumapit ang alas-3:30 ng hapon. (Associated Press)