-- Advertisements --

Patay ang apat na katao habang marami ang nasugatan matapos ang naganap na gas explosion sa Kano state, Nigeria.

Sinabi ni Kano Police Commissioner Sama’ila Shu’aibu Dikko naganap ang pagsabog malapit sa paaralan sa Sabon Gari area.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, biglang sumabog ang gas cylinder ng isang nagwe-welding na nadamay ang ilang mga katao malapit sa lugar.

Patuloy na ginagamot ang ilang mga biktimang nasugatan sa insidente.