-- Advertisements --

Pumalo na sa apat na katao ang nasawi sa naganap na karambola ng mahigit na 10 sasakyan sa Katipunan Avenue flyover sa Quezon City.

Hindi rin bababa sa 20 katao ang nasugatan sa insidente at ang mga ito ay dinala na sa pagamutan.

Nagdulot ng matinding trapiko sa bahagi ng Northbound sa Quezon City ang nasabing aksidente.

Isa-isa ng inaalis ng mga otoridad ang mga sasakyan na nasangkot sa karambola ngayon gabi ng Huwebes.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing karambola.