-- Advertisements --

Patay ang apat na katao matapos ang naganap na komosyon dahil sa demolisyon ng mosque sa bayan ng Haldwani sa Uttarakhand, India.

Ayon sa mga otoridad na nagsasagawa lamang sila ng clearing operation sa mga iligal na nakatayo sa lugar kabilang na ang mosque at isang religious school.

Nagalit ang mga mananampalatayang Muslim sa lugar dahil sa hinala nila na sila ang target ng demolisyon.

Dahil sa insidente ay maraming mga protesters at mga kapulisan ang nasugatan.

Paliwanag ng mga otoridad na mayroong kautusan ang korte para sa ginagawa nilang demolitions.

Nagpakalat na ang mga kapulisan ng kanilang puwersa.