-- Advertisements --

Nasa apat katao ang nasawi matapos ang naganap na avalache sa Himalayan mountain sa Uttarakhand, India.

Bukod sa nasawi ay maraming iba pa ang ang nawawala na kabilang sa grupo ng mga mountaineers.

Ayon sa imbestigasyon ng mga otoridad na mayroong 34 trainees at pitong instructors ang nagsasanay ng navigation ng mangyari ang insidente.

Walo sa mga grupo ang una ng nailigtas ng mga rescuers.

Naging pahirapan ang nasabing pag-search and rescue dahil sa masamang panahon.

Nagsagawa na rin ang Indian Air Force ng kanilang aerial survey sa lugar para matukoy ang posibleng kinaroroonan ng mga biktima.