-- Advertisements --

Patay ang nasa apat na katao matapos ang naganap na mass shooting sa Birmingham, Alabama.

Ayon kay Birmingham police officer Truman Fitzgerald , na kanilang nirespondehan ang pamamaril sa isang grupo ng mga tao.

Pagdating ng mga kapulisan ay nakita nila ang bangkay ng dalawang lalaki at isang babae habang ang ikatlong lalaki ay sa pagamutan na nasawi dahil na rin sa tama ng mga bala.

Patuloy na tinutugis ng mga otoridad ang suspek na nasa likod ng pamamaril.

Inaalam pa ng mga otoridad ang mga motibo ng nasabing insidente.