-- Advertisements --
image 71

Patay ang apat na tao sa nangyaring pamamaril sa southern Thailand nitong sabado.

Nagsimula ang pag atake bandang alas 5 ng hapon, 600 kilometro lamang ang layo mula sa Bangkok.

Samantala, tumangging magbigay ng ilan pang impormasyon tungkol sa biktima ang kapulisan.

Kung matatandaan, sa nakalipas na 12 buwan, dumarami ang porsyento ng gun ownership sa Thailand.

Noong Oktubre lamang ang isang dating polic sergeant sa northeastern Nong Bua Lam Phu province ay pumatay ng 36 na tao, kung saan 24 sa mga ito ay bata.

Dagdag pa rito ay ang insidente sa Phetchaburi kung saan tatlo ang naitalang namatay at tatlo naman ang sugatan.