-- Advertisements --

BUCHAREST, Romania — Apat ang patay at siyam ang sugatan matapos atakihin ng pasyente sa isang psychiatric hospital sa Romania.

Batay sa ulat, pumasok sa isang treatment room ang 38-anyos na lalaki at doon na nito nilusob ang ibang mga pasyente gamit ang transfusion stand.

Tatlo sa mga biktima ang nagtamo ng injury sa ulo at binawian ng buhay sa pinangyarihan ng insidente, habang ang ikaapat ay pumanaw sa ospital.

Sa siyam namang sugatan sa pag-atake, dalawa raw dito ang nasa coma.

“Everything happened in less than a minute,” wika ni hospital director Viorica Mihalascu.

“This patient was admitted on a normal surveillance level. His symptoms did not give an indication that a tragedy was imminent,” dagdag nito. (AFP)