-- Advertisements --

Patay ang apat na sakay ng cessna plane matapos na ito ay bumagsak sa bulubunduking bahagi ng Virginia.

Galing sa Elizabethton Municipal Airport in Elizabethton, Tennessee at patungo ito sa Long Island MacArthur Airport sa New York ng ito ay bumagsak.

Ayon sa Federal Aviation Administration, na rumesponde pa ang F-16 fighter jet ng makarinig sila ng sonic boom bago bumagsak ang cessna plane.

Bilang protocol aniya ay kaya sila rumesponde para matiyak na hindi ito banta.

-- Advertisement --

Patuloy naman na inaalam ng mga otoridad ang pinaksanhi ng nasabing aksidente.