-- Advertisements --
Patay ang apat na katao matapos ang pagbagsak ng maliit na eroplano sa Maguindanao del Sur.
Kinumpirma ni U.S. Embassy spokesperson Kanishka Gangopadhyay na isang American military-contracted aircraft ang bumagsak sa Barangay Malatimon, Ampatuan.
Hindi na rin ito nagbigay ng iba pang detalye maging ang pagkakakilanlan ng mga biktima.
Ayon sa mga residente ng lugar , nakita nilang umuusok na ang eroplano sa himpapawid bago ito tuluyang bumagsak.
Nadamay pa sa insidente ang isang kalabaw na nakapastol sa bukiran na binagsakan ng eroplano.
Inaalam pa ng mga otoridad ang pinakasanhi ng nasabing pagbagsak.