-- Advertisements --

Patay ang apat na katao matapos ang pagbagsak ng sinakyan nilang hot-air balloon sa Arizona.

Ayon sa kapulisan na bigla lamang tumalon ang tatlo sa limang sakay ng hot air balloon kaya sila ay agad na nasawi na hindi na nakatalon.

Itinakbo naman ang isang biktima matapos na magtamo ng matinding pinsala sa kaniyang katawan sa aksidente na bumagsak sa disyertong bahagi ng Sunshine Boulevard at Hanna Road.

Sinabi ni Eloy City Mayor Micah Powell na ang hot air balloon ay may lulan ng 13 adults na binubuo ng balloon operator, apat na pasahero at walong skydiver.

Matapos ang pagtalon ng walong skydiver ay doon na lamang nangyari ang aksidente.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa nasabing insidente.