-- Advertisements --

Nasa apat katao ang nasawi matapos ang pagguho ng gusali sa Lagos, Nigeria.

Maraming katao rin ang pinaniniwalaang naipit sa mga gumhong bahagi ng ginagawang 21-palapag na gusali.

Hindi pa makumpirma ng mga rescuers kung ilang katao ang naipit sa nasabing gumuhong gusali.

Sinabi ni Ibrahim Farinloye ng National Emergency Management Agency (NEMA) na mayroon na silang apat na bangkay ang nakuha habang apat rin na katao na buhay ang narekober na kanilang agad na itinakbo sa pagamutan.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing pagguho ng gusali.