-- Advertisements --
Patay ang apat na katao at 14 ang sugatan sa nangyaring sunog sa isang high rise apartment sa Valencia City, Spain.
Gumamit na ng mga cranes at malalaking hagdan ang bumbero para mailigtas ang mga residente na naninirahan sa lugar.
Ayon sa mga otoridad na mayroon pang 15 mga katao ang hindi pa nakikita o naiulat na nawawala.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog.