Patay ang apat na katao matapos ang paglubog ng tourist boat sa Lake Maggiore sa northern Italy.
Ang nasabing bangka ay may sakay na 20 pasahero kabilang ang mga turista.
Base sa inisyal na imbestigasyon na dahil sa malakas na hangin at pag-alon kaya tumaob ang nasabing bangka.
Sinasabing ang mga biktima ay kinabibilangan ng Italian, Israeli at Russian.
Mabilis naman na nailigtas ang ibang mga sakay ng bangka.