-- Advertisements --
Patay ang apat na katao habang sugatan ang 11 iba pa matapos ang naganap na pagsabog sa isang luxury hotel sa Pakistan.
Target umano ng pagsabog ang Chinese ambassador to Pakistan.
Base sa imbestigasyon na pinasabog ng mga suspek ang isang sasakyan sa car park sa Serena Hotel sa Quetta City.
Wala naman doon sa nasabing hotel ang Chinese ambassador ng maganap ang pagsabog.
Inako naman ng Pakistani Taliban ang nasabing pag-atake.