-- Advertisements --
Nasa 4 katao ang nasawi sa pagsabog na naganap sa loob ng mosque sa west Kabul, Afghanistan.
Kabilang sa nasawi ang prayer leader habang walong iba pa ang naitalang nasugatan sa insidente.
Sinabi ni Interior Ministry spokesman Tariq Arian, inilagay ang bomba sa loob ng mosque.
Walang grupong umamin sa nasabing pagpapasabog.
Mahigpit ng nagsasagawa ang mga otoridad para agad na maaresto ang grupo na responsable sa insidente.