Nagtala ng apat na katao ang patay sa pagsisimula ng halalan sa India.
Ayon sa kapulisan dalawang katao na nagtatrabaho sa Andrha Pradesh ruling party na Telugu Desam ang napatay sa naganap na komprontasyon sa mga supporters ng regional opposition party.
Isang election official din ang patay ng atakihin ito ng mga suspected insurgent sa northeast India at isa ang napatay ng mga government forces.
Isinasagawa ang halalan sa 18 Indian states at dalawang Union Territories sa gagawing seven-phase election sa loob ng anim na linggo na magtatapos sa Mayo 19 at ang bilangan naman ay isasagawa sa Mayo 23.
Aabot sa 900 million eligible voters ang inaasahang lalahok sa halalan.
Magiging mahigpit ang laban sa pagitan nina Bharatiya Janata Party na pinamumunuan ni Prime Minister Narendra Modi at Rahul Gandhi.