-- Advertisements --
(Update) Umaabot na sa 19 ang naitalang patay, habang nasa 600 ang sugatan sa pagtama ng magnitude 6.7 na lindol sa silangang bahagi ng Turkey nitong Biyernes ng gabi (local time).
Sinabi ni Turkish Interior Minister Sulyman Soylu, nasa 10 gusali ang gumuho matapos ang lindol, na tumama malapit sa bayan ng Sivrice, Elazig province.
Ayon sa US Geological Survey (USGS), mababaw lamang ang naturang lindol na may lalim na 10 kms.
Nasa 500,000 katao rin aniya ang nakaramdam ng malakas na pag-uga ng lupa sa nasabing bansa.
Naramdaman din ang lindol sa iba pang mga bansa, gaya ng Iraq, Syria at Lebanon.
Sa inisyal na pagtataya ng USGS, “relatively localized” ang pinsala. (CNN)