-- Advertisements --
FRESNO POLICE
FRESNO POLICE

Nasa apat na katao ang patay at anim na ang nasugatan sa pamamaril sa Fresno, California.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, nagsama-sama ang grupo ng pamilya para manood ng football game ng dumating ang isang lalaki at pinagbabaril ang mga biktima.

Aabot sa 35 hanggang 40 katao ang nasa loob ng bahay kabilang ang mga bata.

Dagdag pa ni Fresno Deputy Police Chief Michael Reid, na naglakad lamang ang suspek ng isagawa ang pamamaril.

Wala rin aniyang indikasyon na kakilala ng suspek ang mga biktima.

Nagsasagawa na ng man hunt operations ang mga kapulisan sa nangyaring pamamaril.