-- Advertisements --

Patay ang apat na katao ay siyam ang sugatan sa naganap na pamamaril sa isang nightclub sa Birmingham, Alabama.

Base sa imbestigasyon ng mga kapulisan na pinagbabaril ng suspek na nasa labas ng club ang mga biktima.

Dalawang baae at isang lalaki ang nasawi agad sa insidente habang ang isang lalaki ay sa pagamutan na nalagutan ng hininga.

Pinaghahanap pa ng mga kapulisan ng mga otoridad ang suspek at inaalam pa nila ang nasabing motibo ng insidente.