-- Advertisements --

Hindi bababa sa apat na katao ang nasawi habang mahigit 30 iba pa ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa Apalachee High School sa Winder, Georgia.

Hawak na ng mga otoridad ang nasabing suspek kung saan inaalam nila ang motibo ng nasabing krimen.

Maaring madagdagan pa ang bilang nasabing nasawi dahil sa kalagayan ng ibang mga biktima na itinakbo sa pagamutan.

Natanggap naman na ni US President Joe Biden at Vice President Kamala Harris ang impormasyon ukol sa insidente at labis silang nalungkot sa insident.

Nagpaabot na rin ang dalawa ng pakikiramay sa mga kaanak ng mga nasawing biktima.