-- Advertisements --

Ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan sa magkaaway na grupo sa loob ng Caloocan City Jail (CCJ) kaya naganap ang riot na ikinasawi ng apat na inmates.

Ayon kay Northern Police District (NPD) director Brig. General Jose Hidalgo Jr na kinilala ang mga nasawi na si Arturo Bisasa at Hans Omar na kapwa miyembro ng Commando Gang at Sherwin Perez at John Patrick Chicko na miyembro ng Sputnik Gang.

Base sa ulat ng kapulisan naganap ang insidente pasado 3:30 p.m ng mapang-abot ang dalawang grupo.

Nahirapan ang mga jail officers na suwayin ang gulo dahil maraming mga miyembro ng gang na mga inmates ang sumali.

Sa ngayon ay nagkakaroon na ng masusing imbestigasyon sa insidente.